Tuesday, February 22, 2011

Ang Talambuhay ni Rafael Marco M. Aquino






Ang aking larawan
 
Ako si Rafael Marco M. Aquino nasa ikalabing pito taong gulang, ipinanganak noon March 7, 1993 sa San Pablo City. Nakatira kami sa San Marcos. Anak ng mag-asawang Dominador Aquino at Edna Aquino, panganay sa anim na magkakapatid. Ako ay nasa ikaapat na antas sa hayskul sa paaralang Col. Lauro D. Dizon Memorial National High School. Si Donna Aquino ang sumunod sa akin, siya ay nasa unang antas sa kolehiyo sa paaralang Laguna State Polytechnic University sa kursong B.S. Biology. At ang pangatlo naman sa aming magkakapatid ay si Elaine Angela Aquino, siya ay nasa ikatlong antas ng hayskul kung saan ako napasok. Siya ay may edad na labing lima. Si Marco Antonio Aquino naman ang pangalawa. Siya ay nasa edad na 13 taong gulang. Nagaaral nama siya sa PACO Catholic School sa tulong ng aking tiyahin si tiya Leonora Aquino kapatid ng aking ama. At ang ikalima naman sa aming magkakapatid ay si Marco Valente Aquino may edad na labing isa. Nasa ikaanim na antas sa elementarya. At ang ika anim naman sa aming magkakapatid ay si Ruth Margareth Aquino, siya ay nasa edad na anim na taong gulang kung saan siya ay nag-aaral sa mababang paaralan ng San Marcos Elementary School.

Ako at ang aking tiya at pinsan

            Nagsimula akong mag-aral sa mababang paaralan ng San Marcos Elementary School kung saan marami akong naging karanasan noong grade 1 dahil ito ang pinaka mahalagang araw ko dahil ito ang kaunaunahan ko pag pasok sa paaralan marami akong naging kaibigan at pag sapit ko nang grade 2 naman ako ay hindi na naiilang sa pag pasok kasi medyo nasasanay na ako at may nakilala ako mga bagong kaibigan noong ako ay grade 3 naman ako  mas lumawak na yun ka isipan ko kaysa nung mga nkaraang taon grade 4 naman ako dito ako nag simulang mag binata kasi ako ay tinulian kasama mga kaibigan at mga pinsan ko marami na ako natutunan noon grade 5 naman ako natuto akong makilahok sa mga kompetisyon ako ay sumali sa baseball team sa paaralan namin at ito ay ginaganap sa sta Maria Magdalena elementary school kmi ay nasa pang apat na pwesto sa buong division at doon ko napatunayan na kaya kong maglaro at lumahok sa mga sports completion at noong nasa grade 6 naman ako masaya ako noon kasi makakapagtapos na ako ng elementary napaka saya ko noong araw ng aming graduation day kasi noon lang ako naka akyat ako sa entablado at Masaya ko tinanggap aking diploma.

Ako at ang aking pinsan

Magkahalong saya at kaba ang naramdaman ko noong unang araw ng klase ko sa hayskul. Sa paaralan ng Laguna College ako unang naghayskul tinapos ko lamang ang first year doon. Noong unang pasok ko sa LC nakakapanibago sa pakiramdam kasi sa una, at lalo na unang pasok ko wala akong kakilala na pwedeng kausapin at tanungin pero habang tumatagal medyo marami na akong nagiging kaibigan at kakilala. Natapos na ang taon at nagbigayan ng class card at nakita ko na meron akong bagsak na dapat mag summer class sa bakasyon upang makapasok ako sa second year. Nagsummer class ako sa paaralan ng San Pablo National High School at ako ay nakapasa naman, tapos sinabi sakin ng tatay ko na ililipat nila ako ng ibang paaralan na papasukan ko gusto nila ay sa Liceo De Calauan pero hindi ako pumayag dahil wala naman akong kakilala doon kaya  napagpasyahan kung sa Dizon High School ako pumasok kasi marami na akong doon kakilala at doon din napasok ang aking mga kaibigan.

Sa pagpasok ko ng 2nd year sa unang pagkakataon ay madami agad akong nakilala at mga naging kaibigan ko doon at marami akong natutunan tulad ng hindi pagpasok at pag cutting sa klase at natuto rin akong mag computer dahil tinuruan ako ng aking mga kaibigan.
Hanggang sa maadik ako sa paglalaro ng mga online games. Natapos ang taon bigayan na  ng class card. Nakita kong marami akong bagsak at tatlong subject lamang ang aking ipinasa. Ang mga subject na ito ay ang English, Science at Values at yung iba naman ay bagsak na kaya ako ay bumalik ulit sa 2nd year. Ang laking galit ng aking ,mga magulang ng malaman nilang bagsak ang aking mga marka.

Ang aking larawan

Noong pumasok ako ulit ng 2nd year ay ganun parin ang ginawa ko hindi pa rin ako pumasok sa klase at sumama ulit ako sa aking mga dating kaklase. Parehas lang din ang aking ginawa at wala kaming sawang tumambay sa mall at gumagala at paminsan minsan kami ay napunta sa bahay ng kaklase ko para magpalipas ng oras at pagkatapos ito ay nadiskubre ng mga magulang ko kaya pinagpasyahan nila na patigilin ako sa pag-aaral upang sa susunod na lang na taon ako papasukin.
At dahil sa wala akong ginawa noong ako ay tumigil tinulungan ko nalang ang tatay ko sa pagtatrabaho. At sa tuwing magkasama kami lagi na lamang niyang sinasabi na sayang ang dalawang taong na aking sinayang. Pumasok ako ulit sa ikatlong pagkakataon sa 2nd year at doon nagtino na ako. Sinunod ko ang payo sa akin ng aking tatay. Ngunit isang araw niyaya ako ng aking kaklase na magtry-out sa basketball. Sa kabutihang palad nakasali ako sa koponan ng Dizon high. Noong una akala ko hindi ako mapipili dahil mas malalaki at may edad ang mga nag try out pero ginawa ko ang lahat para mapili ako at makasama ang kaibigan ko. Kami ng kaibigan ko ay naging miyembro ng koponan ng basketball sa Dizon high. Kami ay lumaban sa Bagong Bayan Gym at ang nakuha lang naming award ay second place at dun ako nawili ako maglaro ng maglaro ng basketball at naipasa ko na ang second year natuwa ang aking mga magulang noong nalaman nilang nagbago na ako.
Noong bakasyon din ako ay sumali ako sa pa liga ng baranggay namin ako ay kinuha ng ka kilala ko para mag laro ng basketball sa team na sa baranggay naming marami sumali sa koponan pero kami pa rin ang nanalo sa larong iyon ako ay binigyan ng medal bilang rookie of the year junior division masayang masaya ako noon
Noong third year naman ako ay naranasan ko ang kauna unahan kong pagsali sa JS prom marami akong naisayaw ng gabing yun araw at sa  awa ng diyos nakapasa ako ng third year at naging fourth year naman ako.
Ngayon fourth year na ko. Ako ay lubos na nagsusumikap upang makapasa at para makakuha ng mataas na marka at sa ganon ay magandang kurso ang aking mapag aralan upang pag katapos ko mag aral makahanap ako ng magandang trabaho para matulungan ko naman ang aking magulang at mga kapatid.


Ako at ang aking team mates


No comments:

Post a Comment